2 katao tiklo sa pekeng dolyar
June 10, 2002 | 12:00am
DASMARIÑAS, Cavite Dalawa katao na pinaniniwalaang nagpapakalat ng pekeng dolyar ang napaulat na dinakip ng pulisya makaraang magbayad ng pekeng dolyar sa pinamiling mga gamit sa eskuwelahan sa isang mini stall sa Brgy. San Roque sa bayang ito kamakalawa ng gabi.
Kasalukuyang nakapiit ang mga suspek na sina Marivic Santos, 34, dalaga ng Block 45 Lot 1-B, Brgy. San Miguel ng bayang ito at Renato Tayag, 46 ng Block Lot 9 ng nabanggit ding barangay.
Samantala, ang nabiktimang negosyante na may-ari ng school supplies ay nakilalang si Immaculada Gabay, 39, dalaga, empleyada ng Manila City Hall at residente ng Block 1-A 3 Lot 3, Brgy. Sta. Cristina 2 sa bayang ito.
Sa inisyal na ulat ni PO2 Jo Patambang na isinumite kay P/chief Insp. John Bulalacao, hepe ng pulisya, humingi ng tulong si Gabay sa pulisya upang madakip ang mga suspek na nagbayad ng pekeng dolyar.
Bandang alas-8 ng gabi ay inaresto ang mga suspek sa tulong ni Brgy. Chairman Federico Cahidoy ng Brgy. Sta. Cristina 2 habang pasakay ng kanilang Pregio van na kulay blue green (WCR-164).
May teorya ang pulisya na ang dalawa ay pinaniniwalaang nagpapakalat ng pekeng dolyar at sa tuwing sasapit ang gabi ay isinasagawa ang modus operandi upang hindi mapuna ng mga may-ari ng tindahan. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest