Solon na 'nag-rambo' sinisi si Senator Ople
June 6, 2002 | 12:00am
HAGONOY, Bulacan Sinisisi ni 1st District Rep. Wilhelmino Sy-Alvarado na si Senator Blas Ople ang nasa likod ng pagsasampa sa kanya ng reklamo sa house ethics committee.
Bagamat inamin na ni Alvarado ang pagpapaputok ng baril na 9mm Beretta sa ere sa isang kasalan sa Brgy. Sto. Rosario noong Mayo 22, ito lamang umano ay kanyang ginawang panakot sa isang lasing na sumusugod sa kanya ng walang kadahilanan.
Ang umanoy lasing na si Josefino Manansala, 44 ang nagsampa ng kaso laban kay Alvarado sa nasabing komite ng Kamara noong nakalipas na Lunes.
Ngunit napag-alaman ni Alvarado na miyembro ng administration party Lakas-NUCD na si Senator Ople umano ang gumawa ng reklamo para kay Manansala laban sa kanya.
Pinabulaanan din ni Alvarado na lasing siya ng mga oras na iyon dahil tanging red wine lang ang kanyang tinikman.
Kayat lumalabas umanong isa ng pulitika ang naganap sa kanila ni Manansala na ginagamit umano ng mga Ople.
Sinabi ni Alvarado, na noong siya ay lumaban sa pagka-Mayor ay kanyang tinalo ang mga anak ni Senator Ople na sina Bernie at nang lumaban siya sa pagka-Congressman noong nakalipas na eleksiyon ay tinalo nito ang anak nitong si Raul. (Ulat ni Ding Cervantes)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest