6 patay sa matalim na kidlat
May 30, 2002 | 12:00am
ILOILO CITY Wala sa hinagap o guniguni ng sinuman ang mag-aakalang sa malakas na pagbuhos ng ulan ay may kakalawitin si kamatayan na anim katao at dalawampu pang iba ang nasugatan makaraang tamaan ng matalim na kidlat ang sinisilungang tindahan ng mga biktima sa Brgy. Pampanggo, Libacao, Aklan kamakalawa ng hapon.
Kabilang sa mga nasawi ay nakilalang sina April Sorilla, 7; Wilmar Formento, 18; Roland Sabal, 19; Michael Solina, 25; Ranny Solina, 16 at Jenlyn Nailgas, 15, samantala, ilan sa mga nasugatan ay nakilalang sina Lailany Nailgas, 19; Allan Salazar, 22; Macmac Sorilla, 4; Raffy Solina, 25; Jelo Dalangan, 20; Karen Solina at Glenn Sorilla na ngayon ay ginagamot sa Kalibo Provincial Hospital.
Ilan sa mga nasugatang biktima sanhi ng matalim na kidlat ay nasunog ang ibat ibang bahagi ng katawan.
Base sa nakalap na ulat mula sa Bombo Radyo-Kalibo na ka-tandem ang Bombo Radyo-Iloilo, katatapos pa lamang na dumalo ng mga biktima sa hindi nabatid na barrio fiesta at dahil sa biglang bumuhos ang malakas na ulan ay pansamantalang sumilong sa tindahan na pag-aari ni Arlene Villorente upang magpatila.
Walang kamalay-malay ang mga biktima na ang ginawa nilang magsilong sa tindahan ay magiging hudyat ng kanilang huling masasayang araw dahil sa biglang lumitaw si kamatayan sa pamamagitan ng matalim na kidlat. (Ulat ni Leo Solinap)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest