^

Probinsiya

Solon namaril sa kasalan?

-
HAGONOY, Bulacan – Nauwi sa matinding tensyon ang masayang kasalan makaraang magpaputok ng baril sa ere ang isang congressman na nakipagtalo sa isa sa ninong sa kasal na lango sa alak noong Sabado ng gabi sa Brgy. Sto. Rosario sa bayang ito.

Ayon sa isang source na ayaw magpabanggit ng pangalang prominenteng personalidad, si 1st District Bulacan Rep. Wilhelmino Sy Alvarado ay nagtungo sa kasalan sa residente ng pamilya Florentino.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay biglang lumapit si Rufino Manansala, 44, fish broker kay Congressman Alvarado at nagsimulang magkaroon ng mainitang pagtatalo.

Sinabi pa ng source na sa gitna ng pagtatalo ay nagbunot ng baril si Congressman Alvarado at nagpaputok ng ilang beses sa ere bago kumaripas ng takbo si Manansala patungo sa kanilang bahay.

Batay sa ulat ng pulisya na ipina-blotter ni Manansala, hinabol pa siya ni Congressman Alvarado sa kanilang bahay at muling nagpaputok ng baril sa ere.

Pinabulaanan naman ni Congressman Alvarado ang nakalagay sa police blotter na nakipagsuntukan siya kay Manansala ngunit inamin niya na nagpaputok ng baril sa ere dahil sa tumangging paawat si Manansala sa kanyang bodyguard. (Ulat ni James Mananghaya)

vuukle comment

AYON

BATAY

BRGY

BULACAN

CONGRESSMAN ALVARADO

DISTRICT BULACAN REP

FLORENTINO

JAMES MANANGHAYA

MANANSALA

RUFINO MANANSALA

WILHELMINO SY ALVARADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with