^

Probinsiya

24 piraso ng WW II bombs nahukay

-
Dalawampu’t apat na piraso ng lumang bomba na naiwan noong World War II ang narekober ng mga operatiba ng pulisya sa Angat, Bulacan kamakalawa.

Sa report ng Angat Municipal Station, isang Roberto Santiago ang nakatagpo sa mga nasabing bomba dakong alas-10:30 ng umaga.

Ayon kay Santiago, contractor ng Globe cell site habang sila ay naghuhukay sa bisinidad ng Sitio Sabang, Brgy. San Roque ay tumambad sa kanila ang nasabing mga eksplosibo.

Agad nilang itong inireport sa mga awtoridad na agad namang nagresponde ang mga Explosive Ordnance Division na siyang nagpatuloy sa paghuhukay.

Sa isinagawang pagsusuri ay nadiskubreng mga bomba na naibaon noong panahon ng sakupin ng Hapon ang Pilipinas.

Bagamat nilulumot na ay may kapasidad pa itong lumikha ng malaking pinsala sa tao at maging sa mga ari-arian.

Nasa kustodya ng Regional Explosive Ordnance Division ang mga nahukay na bomba. (Joy Cantos)

ANGAT

ANGAT MUNICIPAL STATION

EXPLOSIVE ORDNANCE DIVISION

JOY CANTOS

REGIONAL EXPLOSIVE ORDNANCE DIVISION

ROBERTO SANTIAGO

SAN ROQUE

SITIO SABANG

WORLD WAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with