^

Probinsiya

Mayor kakasuhan ng PNP

-
BALIUAG, Bulacan – Nakatakdang kasuhan ng pamunuan ng Bulacan PNP Command sa pangunguna ni P/Sr.Supt.Edgardo Acuña, ang bagong alkalde sa bayang ito dahil sa pagkasira ng mga ari-arian ng lokal na pamahalaan at tangkang pagpatay sa ilang miyembro ng kapulisan.

Si Romeo Estrella na iprinoklama ni Executive Judge Oscar Herrera ng RTC Branch 20 bilang bagong alkalde ng naturang bayan ay pinaniniwalaang nanguna sa isinagawang "people power" kasama ng kanyang taga-suporta sa loob ng munisipyo ng Baliuag upang paalisin ang kasalukuyang alkalde na si Rolando Salvador.

Nag-ugat ang kaguluhan makaraang magpalabas ng memorandum order ang pitong Comelec commissioner na nag-aatas na pansamantalang pigilin ang pag-upo ni Estrella dahil sa pinag-aaralan pa ang katwiran ng dalawang panig.

Isinisi naman ng mga supporter ni Salvador sa PNP ang naganap na kaguluhan dahil sa hindi nito nagawan ng paraan subalit ikinatwiran naman ni Acuña na walang magagawa ang ilang tauhan niya laban sa libu-libong taga-suporta ng magkabilang panig na nagsagupa sa loob ng munisipyo. (Ulat ni Efren Alcantara)

ACU

BALIUAG

BULACAN

COMELEC

EDGARDO ACU

EFREN ALCANTARA

ESTRELLA

EXECUTIVE JUDGE OSCAR HERRERA

ROLANDO SALVADOR

SI ROMEO ESTRELLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with