^

Probinsiya

Life sa killer ng 2 pasahero

-
Malolos, Bulacan – Hinatulan ng habambuhay na pagkakulong ang isang holdaper at nakapatay sa dalawang pasahero ng dyip noong July 5, 2000, samantala, inabsuwelto naman ang kasamahan nito dahil sa kawalan ng sapat na ebidensiya na nagsasangkot sa krimen.

Sa ipinalabas na desisyon ni Malolos Regional Trial Court Judge Basilio Gabo, Jr. Branch 21, si Tirso Morales na miyembro ng "Estribo Gang" ay napatunayang nangholdap at nakapatay sa dalawang pasahero ng dyip sa kahabaan ng North Expressway na sakop ng Barangay Buhat, Bocaue, Bulacan.

Base sa record ng korte, kasama ni Morales ang isang nagngangalang Michael Salvador na kasalukuyan pang tinutugis ng pulisya.

Pinawalang-sala naman si Ramon Morales dahil sa napagkalaman lamang na isa sa kasama ni Tirso sa isinagawang police line-up.

Napag-alaman pa sa ulat na hindi pinayagan ng korte na palayain si Ramon Morales dahil sa nadiskubreng may nakabinbing kaso sa ibang korte na may kaugnayan sa pag-iingat ng baril na walang kaukulang papeles. (Ulat ni Efren Alcantara)

BARANGAY BUHAT

BOCAUE

BULACAN

EFREN ALCANTARA

ESTRIBO GANG

JR. BRANCH

MALOLOS REGIONAL TRIAL COURT JUDGE BASILIO GABO

MICHAEL SALVADOR

NORTH EXPRESSWAY

RAMON MORALES

TIRSO MORALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with