^

Probinsiya

Trader, driver dinukot sa Laguna

-
CAMP VICENTE LIM, Laguna – Isang mayamang negosyanteng lalaki at kasamang driver nito ang napaulat na kinidnap ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan habang lulan ng kanilang sasakyan at binabagtas ang kahabaan ng Del Rosario St., Brgy. Urigil, Majayjay, Laguna kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Reynaldo Mia at driver na si Marsing Lotino na kapwa residente ng nabanggit na barangay.

Napag-alaman sa ulat ng Majayjay PNP station, naganap ang pag-kidnap sa mga biktima dakong alas-6:30 ng gabi habang lulan ng kanilang Mitsubishi Adventure na kulay berde (WHN-649).

Ayon pa sa pulisya, hinarang umano ng mga armadong kalalakihan ang kotse ng mga biktima saka pinababa at isinakay sa naghihintay na kotse na hindi nabatid ang numero ng plaka.

Nabatid pa na hindi ginalaw ang asawa ng biktimang trader na si Agnes Mia bago nagsitakas ang mga kidnaper.

Kasalukuyan pang bineberipika ng mga tauhan ni P/Chief Supt. Domingo Reyes, regional director ng PRO-4, kung katotohanan nga na dinakip ang mga biktima ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa mga kasong kinakaharap.(Ulat ni Ed Amoroso)

vuukle comment

AGNES MIA

CHIEF SUPT

DEL ROSARIO ST.

DOMINGO REYES

ED AMOROSO

MAJAYJAY

MARSING LOTINO

MITSUBISHI ADVENTURE

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with