^

Probinsiya

Killer ng ex-fiscal sumuko

-
CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite — Dahil sa matinding pagkatakot na ma-summary execution ng mga tumutugis na mga operatiba ng Cavite PNP ay nagpasyang sumuko ang isa sa ‘killer’ ng dating provincial fiscal kay Cavite PNP provincial director P/Sr. Supt. Samuel Pagdilao sa nabanggit na kampo kahapon ng umaga.

Sinamahan ng kanilang barangay chairman na sumuko sa pulisya si Virgilio C. Capuno ng Barangay Malagasang 2, Imus, Cavite, samantala, sa kasalukuyan ay nagsasagwa ng dragnet operation ang mga tauhan ni Pagdilao upang madakip kaagad ang isa pang kasama nito.

Sa ulat ni P/Sr. Insp. Alberto Capua, hepe ng pulisya, makaraang sumuko si Capuno bandang alas-onse ng umaga ay kaagad namang nagsagawa ng police line-up at positibong itinuro ng isang saksi sa krimen ang ‘killer’ ni ex-fiscal Atty. Manuel P. Orquieza noong Marso 5, 2002.

Matapos ipagbigay-alam ng pulisya ang pagsuko ni Capuno sa mga kamag-anakan ni Orquieza ay kaagad namang nagbigay nang sinumpaang salaysay si Judge Miriam Oqruieza-Angot, kapatid na babae ng biktima upang pormal na maisampa ang kasong murder sa Bacoor Municipal Court na walang piyansang inirekomenda.

Matatandaang, tinambangan at napatay ang biktima habang nagmamaneho ng kanyang kotse patungo sa pinapasukang korte ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo sa kahabaan ng Aguinaldo Highway. (Ulat nina Cristina Go-Timbang at Mading Sarmiento)

vuukle comment

AGUINALDO HIGHWAY

ALBERTO CAPUA

BACOOR MUNICIPAL COURT

BARANGAY MALAGASANG

CAPUNO

CAVITE

CRISTINA GO-TIMBANG

JUDGE MIRIAM OQRUIEZA-ANGOT

MADING SARMIENTO

MANUEL P

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with