^

Probinsiya

Kinidnap na Koreano at hotel owner di palalayain

-
COTABATO CITY – Matatagalang palayain ang kinidnap ng mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang mag-partner na negosyanteng Koreano at hotel owner sa Palembang, Sultan Kudarat kapag nagpatuloy ang kapulisan na igiit na ipagpatuloy ang ipinalabas na warrant of arrest sa kanilang lider.

Ngunit ipinaabot ng mga kidnaper na handa ang kanilang grupo na makipagnegosasyon lamang kina Palembang Mayor Samrod Mamansual at Presidential Assistant for Mindanao Jesus Dureza para sa pagpapalaya nina Carlos Belonio at Jae Kwon Yoon.

Ayon sa isang Catholic Missionary na ayaw ipabanggit ang pangalan na hindi gusto ng mga kidnaper na pumapel ang pulisya sa pagpapalaya ng mga bihag.

Magugunitang nagpalabas ang Palembang Municipal Court ng warrant of arrest noong nakaraang linggo laban kay Tigre Jikiri, lider ng MILF na responsable sa pagdukot sa dalawang biktima.

Samantala, nagpadala sa mga awtoridad ng surrender feelers ang ilang kasamahan ni Jikiri dahil sa patuloy na pagtugis ng 6th ID’s sa kanilang grupo na pinalalagay na hirap na sa katatago.

Ayon naman sa isang 40-anyos na public school teacher mula sa Palembang na hindi sinsero ang pagsuko ng mga kidnaper dahil lamang sa pressure ng tropa ng militar na tumutugis.

May kumakalat namang balita na ang mga kidnaper ay humihingi ng P30 milyon ransom upang mapalaya sina Belonio at Jae. (Ulat ni John Unson)

AYON

CARLOS BELONIO

CATHOLIC MISSIONARY

JAE KWON YOON

JOHN UNSON

MINDANAO JESUS DUREZA

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

PALEMBANG

PALEMBANG MAYOR SAMROD MAMANSUAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with