^

Probinsiya

2 police asset nilikida ng NPA

-
Dalawang police asset ang niratrat hanggang sa mapatay ng mga armadong kalalakihan na nagpakilalang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Davao del Sur, ayon sa ulat kahapon.

Kapwa dead on the spot ang mga biktimang sina Nicasio Lino at Jovel Baguiohanon; magkapitbahay sa Sitio Manat, Brgy. Sibahay, Boston ng nasabing lalawigan.

Batay sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, dakong alas-5:30 ng umaga nang bigla na lamang sumulpot sa Sitio Manat ang mga armadong rebelde at kaagad nagtungo sa bahay ng mga biktima.

Ang mga rebelde ay pinamumunuan umano ni Zaldy Latiban, alyas Ka Oca na positibong kinilala ng mga residente sa lugar na nakasaksi sa pangyayari.

Napag-alaman na ang mga biktima ay kagigising pa lamang nang pasukin ng mga suspect sa kanilang mga bahay.

Bigla na lamang pinagbabaril ang dalawa sa harapan ng pamilya at matapos makasigurong patay na ang kanilang target ay mabilis na nagsitakas patungo sa hindi pa malamang destinasyon ang mga rebelde. (Ulat ni Joy Cantos)

BATAY

CAMP CRAME

JOVEL BAGUIOHANON

JOY CANTOS

KA OCA

NEW PEOPLE

NICASIO LINO

SITIO MANAT

ZALDY LATIBAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with