^

Probinsiya

Kidnapping sa Mindanao kontrolado ng Mafia

-
DAVAO CITY – Pinaniniwalaang kontrolado ng tinaguriang "mafia" o mga higly influential ang nasa likod ng sunud-sunod na kidnappings sa Southern at Central Mindanao, ayon sa isang Moro separatist rebel leader.

Ito ang nakalap na impormasyon mula sa isang lider ng mga rebelde na malaking grupo at hindi pangkaraniwang sindikato dahil masyadong maimpluwensiya sa may mga puwesto sa gobyerno.

Sinabi rin ng source na kasalukuyang hawak ng naturang grupo ang kinidnap na South Korean national na si Jae Kwoon Yoon at Cesar Belonio na may-ari ng Tierra Verde Hotel sa General Santos City.

Ayon pa sa source na ang pangalang Pentagon ang siyang panakip-butas sa isinasagawang modus operandi ng kilabot na grupo ng kidnapping.

Kapag nagsagawa ang kidnapping, ang grupo ay kaagad na ituturo ang Pentagon ngunit hawak na nila ang kinidnap na biktima habang nagsasagawa ang negosasyon ng ransom, dagdag pa ng source.

Kabilang sa mga dayuhang kinidnap ng naturang grupo ay apat na Chinese national, isang Canadian at ang kontrobersyal na Italian priest.

Idinagdag pa ng source na isang pulis na isinangkot sa pagkidnap sa anak ng may-ari ng Bonifacio Motors ay miyembro ng kanilang grupo na pinamumunuan ng isang masyadong malakas at may kaugnayan sa mga awtoridad. (Ulat ni Edith Regalado)

vuukle comment

AYON

BONIFACIO MOTORS

CENTRAL MINDANAO

CESAR BELONIO

EDITH REGALADO

GENERAL SANTOS CITY

GRUPO

JAE KWOON YOON

SOUTH KOREAN

TIERRA VERDE HOTEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with