^

Probinsiya

Municipal officer patay sa ambush

-
STA. MARIA, Bulacan – Isang opisyal ng Sta. Maria Municipal Hall ang iniulat na tinambangan at napatay ng apat na hindi kilalang armadong kalalakihan na sakay ng dalawang motorsiklo habang lulan ng kanyang kotse at binabagtas ang kahabaan ng J.P. Rizal St. sa panulukan ng Calderon St. sa Brgy. Poblacion ng bayang ito kamakalawa ng tanghali.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Apolinario Rojas, 46, may asawa at residente ng Brgy. San Jose Patag ng naturang lugar.

Base sa isinumiteng ulat kay P/Supt. Melchor Reyes, hepe ng pulisya, naganap ang pananambang sa biktima bandang alas-12:30 ng tanghali habang papauwi sakay ng kanyang kotseng Honda Civic (UKM-449) mula sa pinapasukang munisipyo.

Nabatid pa sa pagsisiyasat ng pulisya na minamatyagan na umano ang biktima sa pinapasukang munisipyo ng mga armadong kalalakihan na pinaniniwalaang mga miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA).

Kasalukuyang inaalam pa ng follow-up team ng pulisya ang motibo ng krimen kung may kaugnayan sa trabaho ng biktima. (Ulat ni Efren Alcantara)

vuukle comment

APOLINARIO ROJAS

BRGY

CALDERON ST.

EFREN ALCANTARA

HONDA CIVIC

MARIA MUNICIPAL HALL

MELCHOR REYES

NEW PEOPLE

RIZAL ST.

SAN JOSE PATAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with