Konsehal todas sa cargo truck
January 11, 2002 | 12:00am
LIPA, Batangas Isang municipal councilor ng Lipa ang iniulat na nasawi, samantalang malubhang nasugatan naman ang kasama nito makaraang sumalpok ang minamanehong owner type jeep sa nakaparadang cargo truck sa gilid ng kalsada ng nabanggit na lugar kamakalawa.
Ang biktima na namatay habang nilalapatan ng lunas sa Mary Mediatrix Medical Center ay si Claro Maray, 43, ng Brgy. Anilao at ikinasugat naman ng malubha ni Reynate Lanto, 23.
Ayon sa ulat na isinumite kay P/Supt. Antonio Atienza, hepe ng pulisya, hindi napansin ni Maray ang nakaparadang truck (PEA-309) na pag-aari ni Rufino Benagale ng Candelaria, Quezon kaya nagtuluy-tuloy sa ilalim ng sasakyan ang minamanehong dyip. (Ulat ni Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest