^

Probinsiya

Obrero tigok sa barangay tanod

-
SAN PASCUAL, Masbate – Dahil sa pakikipagtalo sa isyu ng New Year’s resolution ay pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang obrero ng isang barangay tanod sa harapan ng barangay hall habang nag-iinuman ang dalawa kamakalawa ng madaling-araw sa Barangay Cueva ng naturang lugar.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Nestor Abaya, 38, may asawa at residente ng Barangay Tugbo Mobo, Masbate.

Samantala, ang suspek na kaagad namang sumuko sa pulisya ay nakilalang si Elmer Sampaga, 30, may asawa ng Brgy. Cueva, San Pascual, Masbate.

Sa isinumiteng ulat mula sa Kampo Simeon Ola, lumalabas na magkasamang nag-iinuman ang dalawa dakong ala-1:30 ng madaling-araw at naghuhuntahan sa isyu ng New Year’s resolution.

Ayon pa sa nakalap na impormasyon ng pulisya na kapwa lango na sa alak ang dalawa hanggang sa humantong sa mainitang pagtatalo at nauwi sa pamamaril ng suspek. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

AYON

BARANGAY CUEVA

BARANGAY TUGBO MOBO

ED CASULLA

ELMER SAMPAGA

KAMPO SIMEON OLA

MASBATE

NESTOR ABAYA

NEW YEAR

SAN PASCUAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with