^

Probinsiya

3 informers todas sa NPA

-
Pinaniniwalaang pinahirapan muna bago tuluyang tinodas ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) ang tatlong espiya ng gobyerno matapos dukutin sa Cateel, Davao Oriental, ayon sa ulat kahapon.

Halos hindi na makilala ang bangkay ng magkakapatid na kinilalang sina Jonie, Ruel at Rudy; pawang may apelyidong Baguiohanon.

Sa ulat na natanggap kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Leandro Mendoza, ang mga biktima ay natagpuang nakagapos sa kagubatan, may piring ang mga mata, tadtad ng mga pasa at halos nagkabutas-butas ang katawan sa dami ng tama ng mga bala ng baril.

Narekober ang bangkay ng mga biktima may isang linggo matapos dukutin noong Disyembre 27 bandang alas-10:00 ng umaga sa kanilang bahay sa Sitio Magubahong, Brgy. Abihod, Cateel, Davao Oriental.

Ilang mangangahoy sa nasabing lugar ang nakadiskubre sa bangkay ng magkakapatid na siyang nagreport sa mga awtoridad.

Base sa teorya ng mga awtoridad, posibleng ikinagalit ng mga rebelde ang aktibong pagbibigay ng impormasyon ng mga biktima sa mga awtoridad laban sa komunistang kilusan.(Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ABIHOD

BAGUIOHANON

CATEEL

CHIEF DIRECTOR GENERAL LEANDRO MENDOZA

DAVAO ORIENTAL

JOY CANTOS

NEW PEOPLE

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SITIO MAGUBAHONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with