Pagsulpot ng Mindanao Federal Army, bubusisiin
December 27, 2001 | 12:00am
Hiniling ni Sen. Rodolfo Biazon sa Armed Forces of the Philippines na beripikahin ang umanoy pagsulpot ng Mindanao Federal Army na maaaring may kinalaman sa tangkang pambobomba sa Mindanao.
Ayon kay Biazon, dapat pangunahan ng Intelligence Service ng AFP ang pagberipika ng pagsulpot ng MFA na posibleng binuo ng mga loyalista ni dating ARMM Gov. Nur Misuari o kaya ay mga miyembro ng New Peoples Army (NPA).
Aniya, hindi dapat ipagwalang bahala ng militar ang MFA na ang layunin ay maghasik ng kaguluhan sa Mindanao partikular na tinatarget ng mga ito na taniman ng bomba ang mga radio stations at malalaking establisimiyento na dinadayo ng mga tao. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest