^

Probinsiya

Vigilantre group na may pagka-Nardong Putik isasabak sa NPA

-
DAVAO CITY– Isang bagong tatag na grupo ng vigilante mula sa Southern Mindanao na pawang may mga taglay na agimat ang nakahandang makipagsagupaan sa mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa paanan ng Mt. Apo.

Tinawag na ‘Alamara’ group ang bagong tatag na vigilante na pinagmamalaking may ‘supernatural’ powers dahil sa hindi umano tinatablan ng bala mula sa malalakas na kalibre ng armas ng mga rebelde.

Ang grupo ng Alamara ay may armas lang na itak, pana, machetes at sibat na panlaban sa mga rebeldeng NPA.

Ipinagtanggol naman ni Army Col. Eduardo del Rosario, commanding officer ng 73rd Infantry Battalion na nakabase sa Malagos District ng nabanggit na lungsod, ang Lumad fanatic group ay bagong puwersa na magiging epektibo sa pakikipaglaban sa mga rebelde sa Bukidnon, Davao City, North Cotabato at Davao del Norte.

Namangha rin si Del Rosario sa ipinamalas na katapangan ng grupo ng Alamara na kahit walang malalakas na armas ay makikipagsagupa pa rin sila sa NPA.

Suportado naman ng tropa ng militar ang nabanggit na grupo at kasalukuyang nagsasagawa ng pagsasanay ang iba’t ibang grupo partikular na ang Alamara upang palakasin ang depensa sa mga kanayunan laban sa insureksyon. (Ulat ni Edith Regalado)

ALAMARA

ARMY COL

DAVAO CITY

DEL ROSARIO

EDITH REGALADO

INFANTRY BATTALION

MALAGOS DISTRICT

MT. APO

NEW PEOPLE

NORTH COTABATO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with