Pari tinodas ng magnanakaw
November 17, 2001 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, CALAMBA Isang paring Katoliko ang binurdahan ng tatlong saksak hanggang sa mapatay ng isang lalaki na kanyang nahuli na aktong nagnanakaw sa loob ng simbahan kamakalawa sa bayan ng Mabitac, Laguna.
Ideneklarang dead-on-arrival sa Gen. Cailis Hospital ang biktimang nakilalang si Fr. Arcenio Plata, 35, kura paroko ng Mabitac Church matapos na magtamo ng tatlong saksak sa ibat-ibang bahagi ng katawan.
Mabilis namang naaresto ang suspek na nakilalang si Alvin Dela Peña, 25, binata ng Brgy. Silab, Kalayaan, Laguna sa isinagawang hot pursuit operation ng mga awtoridad.
Ayon kay Supt. Benjie Belarmino, hepe ng Regional Operation and Planning ng PRO 4 na bandang alas-2 ng hapon ay nagulat na lamang si Fr. Plata nang madatnan at makita nito ang suspek sa loob ng simbahan na aktong nagnanakaw ng mahahalagang kagamitan at pera.
Sinita ni Fr. Plata ang suspek subalit sa halip na tumakbo palabas ng simbahan ay sinugod nito ang pari at inundayan ng tatlong saksak at pagkatapos ay mabilis na tumakas tangay ang hindi pa malamang halaga ng pera at kagamitan.
Isang saksi ang nakakita sa pangyayari ang nagsumbong sa mga awtoridad na agad namang tinutugis ang suspek hanggang sa ito ay maaresto. (Ulat ni Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest