7 sugatan sa mishap
November 11, 2001 | 12:00am
Imus, Cavite Pito katao ang iniulat na malubhang nasugatan makaraang sumalpok ang sinasakyang pampasaherong jeep sa poste ng Meralco sa kahabaan ng Gen. Emilio Aguinaldo Highway sa Brgy. Anabu 2 ng bayang ito kahapon ng umaga.
Ang mga biktima na ngayon ay nasa University Medical Center ay kinilalang sina Consuelo Alarcon, 33; Aurea Herrera, 45; Rodrigo Guingon, 35; Crisanto Guintong, 55; Marianne Nieves; Maria Cristina Esguerra, 23 at Alex Moreno, driver ng jeep.
Nabatid sa pagsisiyasat ng pulisya, naganap ang pangyayari dakong alas-7:30 ng umaga matapos na mawalan ng kontrol ang manibela ng jeep (NWR-176) na minamaneho ni Moreno at sumalpok sa poste ng Meralco. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended