Rich kids ng Davao City huhubaran kapag nadakip sa drag racing
November 1, 2001 | 12:00am
DAVAO CITY Binalaan kahapon ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang mga kabataang tinaguriang rich kids na kanyang huhubaran ng damit sa harap ng publiko sa Rizal Park kapag nahuling nagsasagawa ng illegal drag racing sa mga pangunahing kalsada sa nabanggit na lungsod.
"I will strip these rich kids naked at the Rizal Park once I will catch them", ani Duterte.
"Ipinaaalam ko sa publiko kung ano ang kanilang ginagawa sa Davao City dahil sa ilang beses na akong nagpalabas ng babala sa mga ito subalit hindi sila sumusunod.", dagdag pa ni Duterte.
Ayon pa kay Mayor Duterte, nalalagay sa panganib ang buhay ng mga mamamayan sa nabanggit na lungsod dahil sa isinasagawang illegal drag racing.
Paboritong pangunahing lansangan isinasagawa ang illegal drag racing sa Quimpo Boulevard, kahabaan ng Panacan at Toril sa pagitan ng alas-11 ng gabi hanggang alas-2 ng madaling araw.
Ibinulgar pa ni Mayor Duterte ang mga apelyido ng mga rich kids na masyadong ma-impluwensya at ito ay kinabibilangan ng Domriquez, Balunos, Mendez, Angliongto, Misa, Estoque, Lopez, Uy King, Fernandez, Co, Te, Juarez, Abella, Baballa, Platos, Montalez at Elizalde.
Idinagdag pa ni Mayor Duterte na pinagsabihan na niya ang mga magulang ng mga rich kids na disiplinahin ang kanilang anak subalit parang mga walang tenga at nagmistulang bingi ang mga ito kaya minabuting ibulgar upang ipaalam sa publiko na wala akong kinikilingan, mahirap man o mayaman.
Ang mga tinaguriang rich kids ay may sari-sariling team na tinawag na Classic, Ground Image at Autocraft at nagkakasundong gumawa ng sarili nilang regulasyon kapag may drag racing sa mga nabanggit na lugar. (Ulat ni Edith Regalado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest