Bading pinatay bago pinagnakawan
November 1, 2001 | 12:00am
BACOOR, Cavite Isang 33-anyos na bading ang pinagtulugang saksakin hanggang sa mapatay saka pinagnakawan ng mga gamit-bahay, alahas at malaking halaga ng pera ng mga hindi kilalang kalalakihan na pinaniniwalaang lango sa droga sa Brgy. Molino 4 ng bayang ito kamakalawa ng hapon.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Marcelino Manego, isang roving supervisor at residente ng Timothy St., Cityhomes Subd., Brgy. Molino 4, Bacoor, Cavite.
Natagpuan ang bangkay ng biktima na nakatali pa ang leeg ng sinturon at naiwan pa ang ginamit na patalim sa dibdib.
Sa inisyal na pagsisiyasat ni SPO1 Rodolfo Arboleda, may hawak ng kaso, naganap ang pangyayari sa pagitan ng alas-2 hanggang alas-3 ng hapon sa loob ng bahay ng biktima.
Ilan sa mga gamit ng biktima sa bahay katulad ng bagong VCD component, cellphone at halagang P4,000 ay nawawala at pinalalagay na kinuha ng mga mandurugas.
May teorya ang pulisya na kakilala ng biktima ang mga suspek dahil sa impormasyong nakalap na pinatuloy pa ang mga ito sa loob ng bahay saka nagsilabas na may dalang bag ang isa sa mga suspek. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest