^

Probinsiya

2 killers ng mayor, kakasuhan ng murder

-
TERESA, Rizal – Inihahanda ng pulisya ang pagsasampa ng kasong multiple murder laban sa dalawa sa apat na suspek na naaresto sa ambush-slay kay Matibac, Laguna Mayor Bernardo Sayarot at sa driver nito noong nakaraang Lunes ng hapon.

Kasalukuyang nakaditene ngayon sa Rizal Provincial Police Headquarters detention cell ang mga suspek na sina Donato Bulasog, 23, ng Brgy. Caloocan, Balayan, Batangas at Edwin Librea, 31, residente ng Mabitac, Laguna.

Nagsasagawa naman ngayon ng manhunt operation ang pulisya upang madakip ang dalawa pang kasamahan ng mga suspek na pansamantalang itinago ang mga pangalan.

Naaresto ang dalawang suspek matapos ang palitan ng putok sa pagitan ng pulisya matapos na tambangan at paulanan ng bala si Mayor Sayarot kasama ang driver nitong si Gabriel Fuertes habang sakay ng isang Mitsubishi Delica Starwagon sa may ML Quezon Avenue, Brgy. Bagong Bayan, Teresa.

Nasawi naman sa naturang barilan si SPO2 Eduardo Seña ng Teresa police bago napasuko ang dalawang suspek.

Narekober sa mga suspek ang isang M79 grenade launcher at isang M2 carbine rifle at maging ang kanilang get-away vehicle na Mitsubishi Lancer box type (PCA 646). (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

BAGONG BAYAN

BRGY

DANILO GARCIA

DONATO BULASOG

EDUARDO SE

EDWIN LIBREA

GABRIEL FUERTES

LAGUNA MAYOR BERNARDO SAYAROT

MAYOR SAYAROT

MITSUBISHI DELICA STARWAGON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with