Packing house ng Dole farm sinalakay
October 25, 2001 | 12:00am
Tinatayang aabot sa milyong halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy makaraang sunugin ng may 30 miyembro ng rebeldeng New Peoples Army (NPA) na sumalakay sa Packing House ng Dole Farm sa Brgy. Buhay, Makilala, Cotabato, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.
Batay sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, bandang alas-12:00 ng tanghali ng maganap ang insidente na pinaniniwalaang may kinalaman sa pangingikil ng revolutionary tax ng mga rebelde sa mga mayayamang negosyante.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, bigla na lamang umanong sinalakay ng grupo ng mga rebeldeng komunista ang compound ng naturang packing house.
Sunud-sunod na nagpaputok sa ere ang mga rebelde na pinamumunuan ng isang alyas Ka Peping kaya nahintakutan ang mga empleyado rito at walang nagawa matapos tutukan ng baril ng mga rebelde.
Agad umanong tinungo ng mga rebelde ang kinaroroonan ng portable banana processor at isang tractor saka binuhusan ng gasolina at sinilaban.
"Mabuhay ang NPA, mabuhay ang kilusang komunista sa Pilipinas, mabuhay ang armadong pakikibaka," sigaw umano ng mga rebelde base na rin sa testimonya ng ilang mga nakasaksing empleyado sa pangyayari.
Ilan umano sa mga rebelde ay nagsilbing lookout habang ang iba naman ang nagsagawa ng panununog at pagransak sa packing house ng sinalakay na farm.
Napilitan namang magsitakas ang mga rebelde matapos na mamataan ang papalapit na reinforcement troops ng militar na humabol sa mga ito at nakaputukan pa ng may limang minuto.(Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest