17 katao grabe sa mortar ng MILF
October 11, 2001 | 12:00am
Labimpito (17) sibilyan ang iniulat na malubhang nasugatan matapos aksidenteng tamaan ng mortar sa isinagawang pangha-harass ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa command post at detachment ng militar sa dalawang magkakahiwalay na insidente ng karahasan sa Ampatuan at Shariff Aguak, Maguindanao, kamakalawa.
Naganap ang unang pag-atake ng mga rebelde dakong alas-3:10 ng madaling araw matapos na sunud-sunod ang mga itong magpakawala ng mortar sa Command Post ng Alpha Company ng Armys 57th Infantry Battalion (IB) sa Masalay, Ampatuan, Maguindanao.
Ang insidente ay nagresulta sa pagkasugat ng siyam na sibilyan na nakilalang sina Sabay Mamam, 40 taong gulang; Kira Nambi, 30; Karigla Sarip, 16; Milo Bide, 7; Norhanda Bide, 5; Sambelan Alamada, 50; Alia Bide, 15; Roy Mindo, 16 at Kindam Bide, 7 anyos.
Sa isa pang insidente dakong alas-3 naman ng hapon ng i-harass din ng hindi pa mabatid na bilang ng mga rebelde ang CAFGU detachment sa Old Sebastian Compound, Poblacion, Shariff Aguak, Maguindanao.
Kinilala ang mga nasugatan na sina Alla, Kadigua, Mio, Sabay, Sambeling at Kindang; pawang may apelyidong Alamada, Karla Manding at Kadigia Salem.
Kaugnay nito, nananatili pa ring nakaalerto ang militar at pulisya laban sa posible pang pangha-harass ng mga rebeldeng MILF sa kabila ng nilagdaang ceasefire sa pagitan ng GRP at MILF peace panels. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest