17 kababaihan nasagip sa kasa
September 15, 2001 | 12:00am
CAMP OLIVAS, Pampanga Labimpitong mga kabataang kababaihan na pawang mga nasa edad 17 pababa ang nasagip ng pulisya sa isang pinaghihinalaang prostitution den sa isinagawang pagsalakay sa Angeles City, Pampanga, kamakalawa ng gabi.
Sa ulat ng Angeles City Police Office (ACPO), dakong alas-9:30 ng gabi ng salakayin ng pulisya ang "Area" kung saan dito nasagip ang mga kababaihan na sinasabing nagmula pa sa Metro Manila at ni-recruit ng isang nagngangalang "Rose" na magtrabaho bilang maid sa naturang lugar.
Ayon sa mga pahayag ng mga biktima, kinuha sila ng naturang suspek sa Manila at pinangakuang mamamasukan bilang mga katulong, subalit sila umano ay dinala ng suspek sa isang prostitution den na tinatawag na "Area" at doon umano sila pinilit na makipag-sex sa mga customers.
Ayon naman kay Supt. Arturo Cacdac, Officer-in-Charge ng Angeles City Police Office, ang isinagawang pagsalakay sa naturang den ay alinsunod sa mga konsernadong residente sa nabanggit na lungsod na tumawag sa telepono ng kanilang tanggapan at dito ay kinokondena nila ang malalaswang gawain sa naturang prostitution den. (Ulat ni Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest