3 bodyguard ng mayor inaresto ng NBI
September 15, 2001 | 12:00am
TACLOBAN CITY Tatlong lalaki na umano ay bodyguard ng mayor ng Hindang, Leyte ang inaresto kamakalawa ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI).
Prinisinta ni NBI Assistant Regional Director Reynaldo Esmeralda sa mga mamamahayag ang tatlong suspek na sina Miguel Tizon,Dario Panerio at Teodoro Mijares.
Ang tatlong suspek ay naaresto sa nasabing bayan noong Setyembre 12 ng taong kasalukuyan.
Isa sa mga suspek na si Mijares ay may naka-pending na warrant of arrest sa Mandaue City at isa rin sa umano ay pumatay sa isang Fortunato Dargantes noong Mayo 13 at ito rin umano ay bodyguard ni Hindang Mayor Roy Jomao-as.
Nakumpiska ng mga NBI ang isang Berreta sub-machine gun, dalawang kal. 38, isang kalibre .45 at mga bala.
Pinag-aaralan pa ng NBI kung dapat isama sa kaso si Mayor Jomao-as dahil sa ang sub-machine gun ay kanilang nakumpiska sa loob ng sasakyan nito.
Pinabulaanan naman ng mga suspek na sila ay bodyguard ni Mayor Jomao-as at ang baril na nakumpiska ay hindi nila pag-aari at pawang mga sinangla lamang. (Ulat ni Melchor Caspe)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest