^

Probinsiya

Utol ni Sabaya, 3 pa tiklo

-
Apat na miyembro ng mga bandidong Abu Sayyaf ang nadakip ng tropa ng militar kabilang ang kapatid ni Sayyaf Spokesman Aldam Tilao alyas Abu Sabaya habang isa pa ang napatay sa isinagawang raid sa public market ng Jolo, Sulu, kamakalawa.

Sa ulat na nakarating kahapon sa tanggapan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Diomedio Villanueva, dakong alas-12:15 ng tanghali nang salakayin ng magkakasanib na operatiba ng Marines Area Reserve Coordinating Center at 2nd Marine Battalion Landing Team (MBLT) ang safehouse ng mga bandido sa kahabaan ng Serrantes St., Jolo public market, Sulu.

Tumagal ang putukan ng ilang minuto na nagresulta sa pagkasawi ng isang Sayyaf. Gayunman, kasalukuyan pang bineberipika ang pangalan nito.

Kinilala naman ang apat na nadakip na miyembro ng Abu Sayyaf na sina Talib Baharan, 19, residente ng Capitol Site, Patikul; Junior Alih, 24, ng Casulutan Village, Jolo; Ibno Mubarak, 15, ng Serrantes St., Jolo at Mulhayser Tilao, 22, ng Sulu public market.

Si Mulhayser ay sinasabing kapatid umano ni Abu Sabaya na sangkot sa pamumugot ng ulo ng mahihirap na hostages na walang maibayad na ransom.

Ang mga nadakip na Abu Sayyaf ay kasalukuyan nang sumasailalim sa masusing tactical interrogation ng militar. (Ulat ni Joy Cantos)

ABU SABAYA

ABU SAYYAF

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

CAPITOL SITE

CASULUTAN VILLAGE

CHIEF OF STAFF GEN

DIOMEDIO VILLANUEVA

IBNO MUBARAK

JOLO

SERRANTES ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with