^

Probinsiya

6 mangingisda minasaker ng mga pirata

-
ZAMBOANGA – Anim na mangingisda ang iniulat na pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga pirata habang ang mga biktima ay nakasakay sa dalawang bangka sa karagatang sakop ng bayan ng Alicia, Zamboanga del Sur noong nakaraang Linggo.

Ayon sa ulat na isinumite kay Regional PNP Director P/Sr. Supt. Julmunier Jubail, natagpuan ng mga kasamahang mangingisda ang mga bangkay ng biktima na lulan ng dalang bangka at maraming tama ng bala ng malalakas na kalibre ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Samantala, inaalam pa ng pulisya ang mga pangalan ng biktima na natagpuan sa dalawang bangka na walang makina na hinihinalang tinangay ng mga pirata.

"Mga pirata sa karagatan ang pangunahing problema sa southern Mindanao region katulad ng grupo ng separatistang Moro Islamic Liberation Front (MILF) at armadong grupo ng bandido", ani Jubail.

Nangako naman ang mga residente ng nabanggit na bayan na makikipagtulungan sila sa pulisya laban sa mga pirata. (Ulat ng Associated Press)

vuukle comment

ALICIA

ASSOCIATED PRESS

AYON

DIRECTOR P

JUBAIL

JULMUNIER JUBAIL

LINGGO

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with