^

Probinsiya

Aircon bus sinalpok ng trak; 2 patay, 9 sugatan

-
Dalawang katao ang nasawi habang siyam ang nasugatan matapos salpukin ng isang trak ang sinasakyang aircon bus ng mga biktima kamakalawa sa kahabaan ng National Hiway, Bgy. Anupol, Bamban, Tarlac.

Ang mga nasawi ay nakilalang sina Jerry de Vera, 29, ng Binmaley, Pangasinan at Alfredo Carillo, 30, ng Manalo St., San Juan, Metro Manila.

Ang mga sugatan at dinala sa ilang pagamutan ng Tarlac at Pampanga ay nakilalang sina Perry Velasco, Vivian Ireca, Tito Montecalvo, Poleng Guro, Hermogenes Bautista, Jay-R de Guzman, Carlos Desperos, Regina Labong at Josefina Ragadio.

Sa inisyal na imbestigasyon, ganap na alas-2 ng hapon ay sakay ang mga biktima ng Five Star aircondition bus na may plakang AVR-205 patungo sa direksyong hilaga na minamaneho ni Mario Vito, 38, nang ito ay salpukin ng isang Isuzu truck na may plakang UDX-811.

Matapos ang insidente ay mabilis tumakas ang driver ng truck na pinaghahanap ngayon ng pulisya. (Ulat ni Jeff Tombado)

ALFREDO CARILLO

CARLOS DESPEROS

FIVE STAR

HERMOGENES BAUTISTA

JEFF TOMBADO

JOSEFINA RAGADIO

MANALO ST.

MARIO VITO

METRO MANILA

NATIONAL HIWAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with