^

Probinsiya

4 suspect sa Espinosa slay nalambat

-
MASBATE CITY – Tatlong kalalakihan na pinaniniwalaang pangunahing suspek sa pagpatay kay Masbate City Mayor Moises "Jun" Espino, Jr. ang nalambat ng mga elemento ng 5th Police Regional Mobile Group (5PRMG) sa isinagawang biglaang pagsalakay ng mga awtoridad sa pinagkukutaan ng mga suspek sa Brgy. Buenavista Uson ng naturang lungsod noong Sabado ng hapon habang ang isa pa ay boluntaryong isinuko ng kanyang kapatid na lalaki.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Charlie Quidato, dating Masbate Provincial Jail Warden; Alex Altera at Alberto Choy na kapwa bilanggo ng nabanggit na kulungan na may mga kasong rape at murder.

Samantala, ang ika-4 na suspek sa Espinosa slay na si Isagani Quidato, 29, ng Brgy. San Ramon Uson at isang jailguard sa Masbate provincial jail ay isinuko ng kanyang kapatid na si Uson Vice Mayor Arnel Quidato kasama sina Rod Rodriguez, emisaryo ni Masbate Governor Antonio Kho at OIC Provincial Warden Alejandro Parcon kay OIC Masbate PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Antonio Enteria, Jr. at namumuno sa Task Force Espinosa bandang alas-3 ng hapon.

Si Isagani ay may nakabinbing warrant of arrest sa kasong rape noong Oktubre 30, 1999 na ipinalabas ni Judge Jacinto Tambago ng Masbate RTC Branch 44.

Masusi namang sinisiyasat ng mga awtoridad ang pamunuan ng nabanggit na kulungan dahil sina Altera at Choy ay kapwa nasa labas ng bilangguan ng walang anumang papeles mula sa korte na nag-atas na palabasin.

Napag-alaman kay P/Supt. Francisco Uyami, Jr., lider ng 5PRMG na ang isinagawang biglaang pagsalakay ay naganap dakong ala-1 ng hapon sa cockfarm ni Charlie Quidato sa nabanggit na lugar.

Nasamsam sa mga suspek ang malalakas na kalibre ng baril katulad ng M-16 armalite rifle, shotgun, iba’t ibang uri ng baril at hindi mabatid na bilang ng bala.

Magugunitang si Mayor Espinosa, Jr ay pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga suspek habang dumadalo sa benefit dance sa piyesta ng Brgy. Bantigue sa Masbate City noong Agosto 9 ng madaling araw. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

ALBERTO CHOY

ALEX ALTERA

ANTONIO ENTERIA

BRGY

BUENAVISTA USON

CHARLIE QUIDATO

ED CASULLA

FRANCISCO UYAMI

MASBATE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with