5 cop killers nasakote
August 6, 2001 | 12:00am
Limang kalalakihan ang dinakip ng pulisya, matapos umanong masangkot ang mga ito sa brutal na pagpatay sa isang opisyal ng pulis na natagpuang lumulutang sa isang ilog sa Taytay, Rizal, kamakailan lamang.
Sa ulat ni P/Supt. Miguel Marcelo, hepe ng Intelligence Division ng Eastern Police District Office (EPDO), ang mga suspek na nadakip ay nakilalang sina Ricardo Cruz alyas Galman; William Raymundo, 23; Renate Dianala, pawang mga taga Sitio Banglad, Barangay San Juan, Taytay, Rizal; Edgardo Camacho, 33 at Carlos Hunio, 25, ng nabanggit ring bayan.
Kinilala ang biktimang si Inspector German Hepuller, nakatalaga sa San Juan Police, natagpuan itong lulutang-lutang sa Floodway River noong Sabado, Hulyo 24, dakong alas-2 ng madaling araw.
Nabatid na ang pagkakadakip sa mga suspek ay base sa naging pahayag ng isang testigo na lumantad na nakilalang si Edwin Espino, 26, kumpare at kapitbahay ng biktima sa Taytay, Rizal.
Ayon sa nasabing saksi, namataan niyang pinagtutulungan ng nasabing mga suspek ang biktima. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest