2 na nagtatapon ng isang trak ng 'ebak', inaresto
August 5, 2001 | 12:00am
DASMARIÑAS,Cavite Dalawang lalaki ang inaresto ng pulisya matapos mahuli sa akto ang mga ito na nagtatapon ng isang trak ng dumi ng tao sa may imburnal ng Bgy. Sampaloc 1, ng bayang ito kamakalawa ng gabi.
Ang dalawang suspect ay nakilalang sina Edwin Dantayana, 30, may-asawa, drayber at Sonny Magalang, 22, binata, helper ng kompanyang Malabanan Excavation and Plumbing Services at kapwa residente ng Bgy.Bayan Luma, Imus, Cavite.
Sa imbestigasyon ni PO2 Ronald Lorenzo, may hawak ng kaso, na dakong alas 11:00 ng gabi ng maaktuhan ng mga opisyal ng barangay ang dalawang suspect na palihim na itinatapon ang dumi ng mga tao buhat sa kanilang trak na may plakang WER 778.
Ang dalawa ay nahaharap sa kasong violation of P.D. 825 at Municipal Ordinance No.15-S-98. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest