Trader kinidnap ng apat na lalaki
August 5, 2001 | 12:00am
Isang negosyante ang kinidnap ng apat na armadong kalalakihan na pinaghihinalaang miyembro ng kidnap-for-ransom gang habang ang una ay sakay ng kanyang owner type jeep na naganap sa Sta. Maria, Bulacan.
Sa report na natanggap kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Leandro Mendoza, kinilala ang dinukot na biktimang si Benjamin Fajardo, 75, residente ng Bgy. Sto. Cristo, Angat, Bulacan.
Samantala inilarawan ang mga suspect na nasa pagitan ng 35 hanggang 50 anyos, nakasuot ng lumang fatigue at camouflage pants, dalawa sa mga ito ay armado ng M16 rifles habang ang dalawa ay maiikling armas.
Sa inisyal na imbestigasyon, ang biktima ay lulan ng kanyang owner type jeep na minamaneho ni Gerry del Rosario nang harangin ng isang L-300 van na kinalululanan ng mga suspect dakong alas 8:00 ng gabi sa Bgy. Balasing, Sta.Maria ng nasabing lalawigan.
Kaagad na tinutukan umano ng baril at kinaladkad ng dalawa sa apat na suspect si Fajardo at isinakay sa L-300 van at mabilis na tumalilis.
Samantala, ang dalawang suspect ay sumakay sa sasakyan ni Fajardo at inutusan ng mga ito si del Rosario na sila ay ihatid sa bahay ng pamilya Fajardo.
Pagdating sa bahay ng biktima ay agad na inutusan ang asawa ng biktimang si Aida Fajardo na kumuha ng P100,000 at dahil sa takot ay agad na sumunod ito sa mga kidnappers.
Bago tuluyang umalis ang mga kidnappers ay binigyan nito ng dalawang blangkong withdrawal slip na pirmado ng biktima si Gng. Fajardo na nagkakahalaga ng P1M bilang ransom.
Inatasan si Gng. Fajardo na i-withdraw sa Farmers Bank at Rural Bank ang nasabing withdrawal slip na pirmado ng kanyang asawa kapalit ng kalayaan nito.
Nagbabala rin ang mga suspect kay Gng. Fajardo na huwag magsusumbong sa mga awtoridad dahil may mangyayaring masama sa mister nito.
Nagbilin pa ang mga suspect na kapag na-withdraw na ang pera ay muli silang babalik para kunin ang pera at maibalik na ang mister nito ng buhay.
Subalit matapos makapag-isip ay hindi na ito nag-withdraw sa bangko sa halip ay nagsuplong ito sa mga awtoridad sa nangyaring pagdukot sa kanyang asawa.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest