3 anak inasawa ng ama
August 4, 2001 | 12:00am
LUCENA CITY Isang obrero ang pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad matapos na ito ay ireklamo ng kanyang asawa dahilan sa ginawang panghahalay sa kanilang tatlong anak na babae sa Barangay Bocohan sa bayang ito, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ng pulisya ang manyakis na ama na si Nelson Magro, may sapat na taong gulang at residente ng naturang barangay.
Natuklasan lamang kamakalawa ng gabi ni Teresita, asawa ng suspek, ang ginawang panghahalay nito sa kanyang tatlong anak na itinago sa mga pangalang Lea, 11; Lani, 8 at Leni, 6, makaraang mag-iiyak ang mga ito.
Base sa isinagawang imbestigasyon ng mga biktima sa womens desk section ng Lucena PNP, isinasagawa umano ng kanilang ama ang makamundong pagnanasa sa kanilang magkakapatid habang wala sa kanilang bahay ang kanilang ina at ang huling panghahalay ay naganap nitong nakalipas na Hulyo 27, 29 at 30 ng kasalukuyang taon. (Ulat ni Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest