Pilotong nang-hijack ng eroplano naaresto
July 18, 2001 | 12:00am
Nadakip na rin kahapon ng mga elemento ng 8th Regional Aviation Security Office (RASO) ang dating piloto na nang-hijack ng eroplano ng Dole Phils. makaraang lumapag ito sa Lapanday Airstrip may limang milya ang layo mula sa plantasyon ng Dole Phils.
Napag-alaman na hindi maaaring kasuhan si Roberto Ramirez ng hijacking bagkus ay kasong robbery ang isasampa dahil sa ninakaw niya ang eroplanong may markang RPC-1768 na pag-aari ng Dole Phils.
Si Ramirez na dating piloto ng Airwolf Aviation Corp. bago masibak dahil sa dalawang air mishap ay lumapag sakay ng hinayjak na eroplano dakong alas-5:45 ng hapon sa nasabing lugar.
Kinumpirma naman ng Dole Phils. na ang eroplanong hinayjack ni Ramirez ay kanilang inuupahan bilang pang-spray ng kemiko sa plantasyon ng pinya sa Davao del Norte subalit itinanggi nilang empleado ang suspek. (Ulat ni Butch Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest