^

Probinsiya

2 officials ng COA tiklo sa extortion

-
Dalawang mataas na opisyal ng Commission on Audit (COA) ang naaresto ng mga operatiba ng 11th Regional Criminal Investigation and Detection Group matapos na masangkot sa pangongotong sa isinagawang operasyon sa Davao City.

Kinilala ni PNP-CIDG Director, P/Chief Supt. Nestorio Gualberto ang mga naarestong opisyal ng COA na sina State Auditor III Hermes Lachica, 51 ng GSIS Heights, Martina, Davao City at Engineer Dennis Rosel, 30, COA Technical Inspector at residente ng Blk. 40 Lot 16, Ciudad Esperanza, Cabantian sa nasabing lungsod.

Ang pagkakadakip sa dalawa ay bunsod na rin ng reklamo ng isang Engr. Edgardo Salvado, Equipment Management Division Manager ng NIA XI matapos na hingian umano siya ng mga suspek ng P100,000 halaga kapalit ng pagbasura sa kasong paglabag umano nito sa regulasyon ng NIA.

Una umanong nagbigay ng P20,000 salapi sa dalawa ang biktima sa isang hindi nabanggit na lugar.

Kasunod naman ng pormal na pagsasampa ng reklamo ng biktima, inilunsad ng mga tauhan ng CIDG ang entrapment operation sa Kanaway Restaurant, Times Beach, Martina sa nasabing lungsod.

Dito’y huli sa aktong tinatanggap ni Lachica mula kay Salvado ang P15,000 salaping nilagyan ng UVF powder ng pulisya. Wala nang nagawa ang dalawang suspek nang bigla na lamang silang paligiran at agad na posasan ng mga pulis. (Ulat ni Joy Cantos)

CHIEF SUPT

CIUDAD ESPERANZA

DAVAO CITY

EDGARDO SALVADO

ENGINEER DENNIS ROSEL

EQUIPMENT MANAGEMENT DIVISION MANAGER

HERMES LACHICA

JOY CANTOS

KANAWAY RESTAURANT

MARTINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with