^

Probinsiya

Pulis dedo sa ambush

-
CAPALONGA, Camarines Norte – Isa sa dalawang kagawad ng pulisya ang iniulat na nasawi makaraang tambangan ng mga miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) habang ang biktima ay lulan ng kanyang owner type jeep na bumabagtas sa kahabaan ng Brgy. Catioan, Capalonga ng bayang ito kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si SPO4 Ireneo Abiera, Jr, 44, may asawa tubong Purok 4 ng Brgy. Gahonon, Daet, Camarines Norte habang ang kasamahan naman nito na himalang nakaligtas sa pananambang ay nakilalang si PO2 Juan Vejerano na kapwa nakatalaga sa Capalonga PNP station.

Ayon pa sa ulat, pagsapit ng sasakyan ng mga biktima sa naturang brgy. ay hinarang sila ng tatlong hindi kilalang armadong kalalakihan bago sunod-sunod na pagpaputok na ikinasawi ng isa sa pulis. (Ulat ni Francis Elevado)

AYON

BRGY

CAMARINES NORTE

CAPALONGA

CATIOAN

DAET

FRANCIS ELEVADO

GAHONON

IRENEO ABIERA

JUAN VEJERANO

NEW PEOPLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with