Kinidnap na midwife nasagip
July 1, 2001 | 12:00am
Matapos ang mahigit na walong oras na pagkakabihag, nasagip ng mga nagrespondeng awtoridad ang isang midwife na kinidnap ng hindi pa nakikilalang mga suspek na pinaniniwalaang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) Lost Command sa isinagawang operasyon sa Kabuntalan, Maguindanao, kamakalawa.
Kinilala ang nailigtas na biktima na si Vivian Cosicol, 42, may asawa, residente ng Landasan, Parang, Maguindanao at nagtatrabaho bilang health worker sa bayan ng Kabuntalan.
Batay sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, dakong alas-12:30 ng tanghali habang nag-aabang ng masasakyan ang biktima sa bisinidad ng Brgy. Pagalungan, Kabuntalan ng nasabing lalawigan nang biglang tapatan ito ng mga armadong kalalakihan.
Agad na pinaligiran ng mga suspek ang biktima at tinutukan ng baril at kinaladkad patungo sa isang liblib na lugar sa Kabuntalan.
Isa sa mga testigo ang kumilala sa isa sa mga suspek na alyas Kamid.
Mabilis namang nagsagawa ng search-and-rescue operations ang mga elemento ng Kabuntalan PNP, mga tauhan ni Mayor Salipongan Dagloc at ilan pang lokal na lider ng nasabing bayan na nagresulta sa pagkakaligtas sa biktima.
Napag-alaman na napilitan ang mga kidnaper na abandonahin ang biktima matapos matukoy ng mga awtoridad ang pinagtataguan nitong safehouse. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest