^

Probinsiya

"Task Force Jhun Cayona" binuo

-
Bumuo kahapon ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ng isang Task Force upang magsagawa ng masusing imbestigasyon hinggil sa naganap na pamamaslang sa isang hard hitting Radio Commentator sa Zamboanga City, kamakalawa.

Nabatid kay PNP Chief Director General Leandro Mendoza na inatasan na niya si Police Regional Director (PRO) 9 Director, Chief Supt. Simeon Dizon na buuin ang "Task Force Cayona" at pangunahan nito ang imbestigasyon sa pamamaslang kay Candelario "Jhun" Cayona, Broadcaster ng DXLL Bombo Radio sa nasabing lungsod.

Magugunita na si Cayona ay papalabas sa kaniyang bahay upang mag-report sa trabaho nang pagbabarilin ng dalawang armadong suspek sa Brgy. Canelar, Zamboanga City.

Base sa teorya ng mga awtoridad, ang biktima ay pinaslang ng Abu Sayyaf dahilan sa kaliwa’t kanang pagbabatikos nito sa kaniyang programa sa illegal na aktibidades ng grupo partikular na ang pagkakasangkot sa kidnap-for-ransom. (Ulat ni Joy Cantos)

ABU SAYYAF

BOMBO RADIO

CAYONA

CHIEF DIRECTOR GENERAL LEANDRO MENDOZA

CHIEF SUPT

JOY CANTOS

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

POLICE REGIONAL DIRECTOR

RADIO COMMENTATOR

SIMEON DIZON

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with