Mga ballot boxes mino-monitor
May 9, 2001 | 12:00am
MALOLOS, Bulacan Minamatyagan na ng mga awtoridad ang ilang mga bayan sa lalawigang ito, kaugnay sa napaulat na pagkalat umano ng libu-libong mga Comelec Official Ballots na sinasabing bahagi ng gagawing pandaraya sa Mayo 14, 2001.
Ito ang nabatid mula sa tanggapan ni Bulacan reelectionist Governor Josie dela Cruz, makaraang magpatawag ito ng biglaang pulong sa lahat ng mga kandidato sa ilalim ng partido ng Lakas-NUCD/PPC, bunga ng mga balitang pagkalat umano ng mga opisyal na balota ng Comelec na posibleng gamitin sa gagawing halalan.
Nagpahayag naman ng pangamba ang ilang kandidato.
Nanawagan naman si Gov. dela Cruz sa lahat ng mga mamamayan sa buong bansa na magkaisa ang mga ito sa pagbabantay at pagmamatyag sa gaganaping eleksyon at isumbong sa kinauukulan ang lahat ng mga katiwaliang maaaring maganap upang hindi aniya mangibabaw at magtagumpay ang dayaan. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest