^

Probinsiya

Gob. Bong Revilla lilikidahin ng Kuratong Baleleng

-
Dalawang araw bago sumapit ang halalan, itutumba umano ng grupo ng Kuratong Baleleng si re-electionist Cavite Governor Ramon "Bong" Revilla, Jr.

Ito ang ulat na nakarating sa kampo ni Revilla na kung saan ang magsasagawa ng paglikida ay ang grupo ng Kuratong Baleleng.

Matapos makarating sa pamilya Revilla ang intelligence report hinggil sa gagawing paglikida dito, magkakasunod nang nakatatanggap ng tawag sa telepono ang mga kasambahay nito.

Ayon kay Aling Ching, isa sa mga katulong ng pamilya Revilla, dakong ika-7 ng gabi nang sagutin nito ang telepono at magsalita ang nasa kabilang linya ng "Hindi na aabutin ng halalan ang amo mong Balimbing."

Bukod kay Aling Ching, nakatanggap din ng tawag ang ilang security guard sa bahay ng mag-asawang Bong at Lani Revilla na hahagisan umano ng granada ang gate ng bahay ng mga Revilla.

"Hudyat daw nila ’yon kapag hinagisan ng granada ang gate, pagkatapos, ang pagtumba naman kina sir at ma’m ang isusunod nila," pahayag naman ng isa sa mga sekyung nakasagot sa telepono.

"Kung ang sandalan nila ay bala at baril, kami dito ay panalangin at pananalig sa Poong Maykapal, naniniwala ako at ang aking pamilya na ang masama nilang balakin laban sa akin at sa aking pamilya ay hindi papayagan ng Diyos," ani Governor Revilla. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

vuukle comment

ALING CHING

AYON

CAVITE GOVERNOR RAMON

CRISTINA GO-TIMBANG

GOVERNOR REVILLA

KURATONG BALELENG

LANI REVILLA

POONG MAYKAPAL

REVILLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with