^

Probinsiya

Councilor bet tinodas sa rally

-
JOVELLAR, Albay – Isa na namang kandidato sa pagka-konsehal ng bayan na ito ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) habang nagsasalita sa rally sa Barangay Salvacion sa bayan na ito, kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang biktima na kaagad na nasawi na si Barangay Captain Antonio Mancera, 53, may asawa, residente ng Barangay Rizal ng naturang lugar at kumakandidato sa ilalim ng partidong People’s Power Coalition (PPC).

Batay sa ulat ng pulisya, ang insidente ay naganap dakong alas-7:30 ng gabi habang ang biktima ay nagsasalita sa rally na isinagawa sa naturang barangay at dinaluhan ng mga residente dito.

Tatlong mga kabataan na rebelde na pawang armado ng kal .45 baril ang bigla na lamang na nilapitan ang biktima habang nagsasalita at isinagawa ang krimen.

Napag-alaman na ang biktima ay binatikos ang grupo ng makakaliwa sa kanyang pananalita sa harapan ng mga residente lalo na ang mga karahasan na pawang kagagawan ng mga rebelde sa kanilang bayan.

Nabatid na hindi makatiis ang tatlong mga kabataan na rebelde na nakikinig sa rally kung kaya ito ay inakyat sa ibabaw ng stage at agawin ang mikropono dito at saka paulanan ng sunod-sunod na putok.

Maging ang mga dumalo sa naturang rally ay nabigla sa kanilang nasaksihan na pangyayari kung kaya ang mga ito ay nagtakbuhan sa iba’t ibang direksiyon.

Matapos ang ginawang pamamaslang ng mga rebelde sa kanilang biktima, ang mga ito ay nagsalita pa na ang sino mang kandidato na babatikos sa kanilang samahan ay kanilang papatayin. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

ALBAY

BARANGAY CAPTAIN ANTONIO MANCERA

BARANGAY RIZAL

BARANGAY SALVACION

BATAY

ED CASULLA

ISA

NEW PEOPLE

POWER COALITION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with