^

Probinsiya

3 killer ng 2 pulis napatay sa barilan

-
CAMP VICENTE LIM, Calamba – Tatlo katao na pangunahing suspek sa pagpatay sa dalawang pulis at municipal administrator ng Biñan, Laguna ang kumpirmadong napatay ng pinagsanib ng puwersa ng Regional Intelligence Office 4; Regional Intelligence and Investigation Division at Cabuyao Police Station makaraang makipagbarilan ang mga suspek sa Brgy. Casili, Cabuyao, Laguna.

Isa sa napatay ng mga awtoridad ay nakilalang si Ruel Tena, 33, na may mga alyas na Billy Tena, Engr. Billy Lopez at Gino Sebastian habang ang dalawa nitong kasamahan ay inaalam pa ang mga pangalan.

Ayon sa ulat ni P/Chief Supt. Domingo Reyes, PRO4 regional director, si Tena ay dating sundalo na sinibak sa puwesto bago sumapi sa grupo ng rebeldeng New People’s Army (NPA) at nagtatag ng bagong grupo na may operasyong kidnap-for-ransom, bank robbery at gun for hire.

Nadiskubre ng mga awtoridad ang pinagkukutaan ng mga suspek dakong alas-12 ng tanghali, kamakalawa sa naturang brgy. bago nagkaroon ng barilan na ikinasawi ni Tena at dalawa pa nitong kasamahan.

Nakuha sa mga suspek ang isang 9mm, dalawang cellular phone at kalibre 38 baril. (Ulat ni Ed Amoroso)

BILLY LOPEZ

BILLY TENA

CABUYAO POLICE STATION

CHIEF SUPT

DOMINGO REYES

ED AMOROSO

GINO SEBASTIAN

NEW PEOPLE

REGIONAL INTELLIGENCE AND INVESTIGATION DIVISION

REGIONAL INTELLIGENCE OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with