Saleslady, hinalay bago pinatay
May 3, 2001 | 12:00am
TAYTAY, Rizal Pinaniniwalaang ginahasa muna bago pinatay ng mga hindi nakilalang suspek ang isang 22-anyos na saleslady na natagpuang patay at walang saplot sa katawan sa isang bangin kahapon ng umaga sa bayang ito.
Kinilala ni Taytay police chief, Supt. Ferdinand Santos ang biktima na si Elvira de Ocampo, dalaga, residente ng Don Enrique Heights, Brgy. Dolores ng bayang ito.
Kasalukuyang hinihintay pa ng pulisya ang resulta ng autopsy report ng bangkay ng biktima upang maberipika ang anggulo ng rape-slay.
Sa imbestigasyon ni SPO1 William Tecson, huling nakita pang buhay ang biktima dakong alas-10 kamakalawa ng gabi. Kasama nito ang kanyang tiyuhin na si Napoleon de Ocampo, 54, sa isang burol ng isa nilang kaibigan.
Nabatid na nagpaalam umano ang biktima sa kanyang tiyuhin na uuwi na dahil sa inaantok na ito at may pasok pa sa trabaho kinabukasan. Pinayagan naman ito ng kanyang tiyo.
Dakong alas-5 ng umaga, nagtungo umano ang matandang de Ocampo sa bahay ng biktima upang siguruhing nakauwi ito ng maayos. Ngunit walang sumasagot sa bahay at ipinalagay nito na natutulog na.
Bandang alas-9 naman ng umaga nang matagpuan ng isa nilang kapitbahay na si Rene Solatario ang bangkay ng biktima sa isang bangin malapit sa isang highway. Nabatid pa na isinubo ng mga suspek ang short at panty ng biktima sa bibig upang hindi umano ito makasigaw habang nilalapastangan.
Nangako naman si Supt. Santos na isang masusing imbestigasyon ang isasagawa upang malinawan ang kaso at maaresto ang mga suspek na may kagagawan ng karumal-dumal na krimen. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Doris Franche-Borja | 22 hours ago
By Victor Martin | 22 hours ago
By Omar Padilla | 22 hours ago
Recommended