^

Probinsiya

Kawani todas, vice-mayor kritikal sa ambush

-
Papatindi pa ang karahasang dulot ng matinding labanan sa pulitika sa bansa makaraang isa pang empleyado ng munisipyo ang nasawi samantalang malubha namang nasugatan ang isang bise-alkalde nang tambangan ng dalawang masugid na supporters ng kalabang partido pulitikal sa naganap na madugong insidente sa lalawigan ng Abra, ayon sa ulat kahapon.

Dead on the spot sa insidente ang biktimang si George Bio, empleyado ng munisipyo sa bayan ng Langiden, matapos magtamo ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Nakilala naman ang nasugatang si Langiden Vice Mayor Isidro Bueno tumatakbong muli sa posisyon bagaman hindi nabanggit sa ulat ang partido pulitikal na kinaaniban nito.

Si Bueno ay nagtamo ng tatlong tama ng bala sa katawan at kasalukuyan pang ginagamot sa Seares Medical Hospital sa nasabing lalawigan matapos na sugatang makatakas sa ambush site.

Sa report na nakarating kahapon sa Camp Crame, ang insidente ay naganap dakong alas-2:30 ng hapon sa bisinidad ng Sitio Tambak, Brgy. Poblacion, Langiden, Abra.

Base sa pangunang pagsisiyasat, ang mga biktima ay lulan ng motorsiklo nang pagbabarilin ng mga suspek na armado ng cal. 5.56 revolver na nakilalang sina Mariano Dacuyan at Charito Tolentino, Brgy. Chairman ng Brgy. Poblacion sa bayan ng Langiden.

Agad namang naaresto ang suspek na si Dacuyan na napag-alamang wanted sa kasong homicide sa Baguio City.

Patuloy naman ang isinasagawang pagtugis sa suspek na si Tolentino na nagtatago sa batas matapos masangkot sa krimen. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ABRA

BAGUIO CITY

BRGY

CAMP CRAME

CHARITO TOLENTINO

GEORGE BIO

JOY CANTOS

LANGIDEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with