^

Probinsiya

10 Sayyaf todas sa sagupaan; 2 pang sibilyan pinugutan

-
ZAMBOANGA — Sampung miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang iniulat na nasawi, samantalang dalawa pang sibilyan ang pinugutan sa serye ng paglalabanan na naganap sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at ng bandidong grupo sa Mabahay Village sa Talipao, Sulu, ayon sa ulat ng pulisya.

Ang dalawang sibilyan na hindi pa nakikilala ay iniulat na pinugutan ng mga bandido matapos na gamiting pananggalang sa mga humahabol sa kanilang tropa ng pamahalaan, ayon kay Senior Superintendent Candido Casimiro.

Base sa ulat, nagkaroon ng matinding engkuwentro ang tropa ng pamahalaan sa mga miyembro naman ng bandidong grupo noong nakalipas na Martes sa bayan ng Talipao, na dito nasawi ang sampung miyembro ng ASG. Wala namang iniulat na nasawi sa panig ng pamahalaan.

Habang tumatakas, dalawang villagers ang sapilitang dinala ng mga rebelde na para gamiting pananggalang, gayunman di naglaon ay pinugutan din nila ng ulo ang mga ito.

Matapos ang paglalabanan, narekober ng tropa ng pamahalaan ang sampung bangkay ng ASG, maging ang dalawang sibilyan na pinugutan ng mga ito.

Samantala, nabibilang na umano ang araw ng nalalabi pang hardcore na mga lider at miyembro ng mga bandidong grupo.

Itoy matapos na ipangako ni Col. Renato Miranda, commander ng 2nd Marine Brigade na nag-ooperate sa Jolo, Sulu na sa loob ng dalawang buwan ay sisikapin nilang malupig ang mga bandidong grupo at ligtas na mabawi ang natitirang bihag ng mga ito na si Roland Ullah, isang Filipino diving instructor. (Ulat nina Joy Cantos at Rose Tamayo)

ABU SAYYAF GROUP

JOY CANTOS

MABAHAY VILLAGE

MARINE BRIGADE

RENATO MIRANDA

ROLAND ULLAH

ROSE TAMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with