Tumangging magpautang, tinaga ng kaibigan
April 11, 2001 | 12:00am
ANTIPOLO CITY Isang 36-anyos na lalaki ang iniulat na pinagtataga hanggang sa mapatay ng kanyang kaibigan makaraang maungkat ang umanoy minsang hindi pagpapautang ng una sa huli sa gitna ng kanilang inuman, kamakalawa ng gabi dito.
Hindi na umabot pang buhay sa Rodriguez Hospital ang biktimang si Antonio Abet, ng Sitio Manalite, Barangay Sta. Cruz, ng nabanggit na lunsod.
Nagtamo ang biktima ng malalalim na taga sa kanyang likuran. Pinaghahanap naman ngayon ang nakatakas na suspect na nakilalang si Rodrigo Manday, 24. Dinala nito sa pagtakas ang itak na ginamit sa pagpaslang sa biktima.
Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-8 ng gabi. Bago umano naganap ang krimen ay magkasama pa ang magkaibigan sa isang inuman sa naturang lugar. Ayon sa mga saksi hindi pa umano lasing ang dalawa nang magtalo makaraang ungkatin ng suspect na masama ang kanyang loob ng minsang hindi siya pautangin ng biktima .
Binanggit ng suspect na parang hindi ito kaibigan na hindi mahingan ng tulong sa oras ng pangangailangan. Nangatuwiran naman ang biktima. Gayunman, napayapa rin ang pagtatalo ng dalawa at magkasama pang umuwi.
Nang makarating sila sa isang madilim na eskinita ay dito na pinagtataga ng suspect ang biktima na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest