Balikbayan, tumalon mula sa barko sa shark infested area
March 30, 2001 | 12:00am
Isang 25-anyos na midwife na kagagaling pa lamang sa Hongkong ang tumalon sa sinasakyan nitong barko dahilan sa sobrang depresyon na posibleng may kinalaman sa pag-ibig habang naglalayag sa itinuturing na shark infested areas sa karagatan ng Semirara Island, kamakalawa.
Nakilala ang nag-suicide na si Melani Cathedral, 25, ng Bingawan, Iloilo na hindi na nakita at pinaniniwalaang kinain na ng pating makaraang sapatos na lamang nito ang marekober.
Batay sa ulat ng pulisya, nabatid na lulan ng barkong M/V Ezequiel mula Maynila patungong Iloilo ang biktima at marami sa mga pasahero ang nakapansin sa walang tigil na pag-iyak nito.
Dakong alas-3 ng hapon nang magtungo ang nasawi sa ikalawang palapag ng barko ay dooy ipinagpatuloy ang kanyang pagtangis. Ilang saglit pa ay nagulat na lamang ang mga pasahero ng mamataan si Cathedral na bigla na lamang tumalon sa gitna ng karagatan na hindi naman nagawa pang mapigilan sa bilis ng pangyayari.
Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya na kararating pa lamang ni Cathedral mula sa Hongkong kung saan nagtrabaho ito bilang midwife at pauwi na sa kanilang bayan kasama ang kanyang kapatid na sumundo sa kanya sa airport.
Wala namang masabing dahilan ang kapatid ng nasawi kung ano ang nagtulak sa balikbayan para magpakamatay.
Sinabi naman ng ilang pasahero na bago umano maganap ang insidente ay isang lalaki ang nakita nilang kausap ng biktima at nagkaroon pa nga ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng mga ito, ilang minuto pa ay namataan na lamang na iniwan ito ng lalaki hanggang sa magsimula na nga itong humagulgol.
Mabilis namang nagsagawa ng rescue operations ang mga tripulante ng barko subalit hindi na nakita pa si Cathedral at sapatos na lamang nito ang narekober.
Isang masusing imbestigasyon pa ang isinasagawa ng mga awtoridad ukol dito. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest