Reporter, nakaligtas sa ambush, anak sugatan
March 21, 2001 | 12:00am
DASMARIÑAS, Cavite Masuwerteng nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang isang reporter ng pahayagan na naka-beat sa lalawigang ito, makaraang ratratin sila ng hindi nakikilalang kalalakihan, gayunman nadamay at nasugatan ang kanyang anak at kaklase nito, kamakalawa ng gabi sa Barangay Sta. Maria sa bayang nabanggit.
Si Tom Halim, reporter ng pahayagang Remate na pinaniniwalaang siyang target ng mga suspect ay masuwerteng nakaligtas. Sugatan naman ang anak nito na nakilalang si Harold Halim, 17 at ang kaklase nitong si Arsenio dela Torre Jr., 17 habang ang mga ito ay nagpapagupit ng buhok sa tapat ng kanilang bahay.
Ayon sa matandang Halim hindi lalagpas sa sampu katao ang mga suspect na mabilis na nagsitakas matapos ang isinagawang pamamaril.
Base sa ulat dakong alas- 9 ng gabi ng maganap ang insidente, habang si Harold at kaklase nito ay nagpapagupit sa tapat mismo ng bahay ng una, samantalang ang amang reporter naman ay nasa loob ng bahay nang biglang umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril.
Mabilis umanong inalam ng matandang Halim ang nagaganap na putukan hanggang sa makita niya na duguan na ang kanyang anak at ang kaklase nito. Tinangka niyang lapitan ang mga ito subalit tinarget din siya ng baril ng mga suspect, mabuti na lamang at mabilis siyang nakakubli sa kanyang sasakyan kung kaya ang kotse niya ang nagkabutas-butas dahil sa dami ng tama ng bala ng baril.
Binanggit pa ng reporter na matagal na siyang nakakatanggap ng pagbabanta sa kanyang buhay at alam niyang siya ang target ng mga ito at nadamay lamang ang kanyang anak at kaklase nito.
Isang masusing imbestigasyon naman ang isinasagawa ng pulisya ukol dito. (Ulat ni Cristina Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest